Untitled Document
Untitled Document
 
 

 

National Women's Month

Masayang ipinagdiwang ang araw ng kababaihan sa ginanap na seremonya ng ating lokal na pamahalaang lungsod para sa National Women's Month na siyang pinasinayaan nina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto, kasama ang ating mga city councilors, department heads, at mga kawani ng QC government pati na rin ang mga women advocates mula sa iba't ibang non-government organizations.

Nagkaroon ng State of the Women Address kung saan ipinahayag ni Mayor Joy Belmonte ang mga proyektong naisakatuparan para sa pagpapaunlad ng women’s welfare sa larangan ng edukasyon, social services,kalusugan, pangkabuhayan, at iba pa.

Binigyang parangal rin ang ating mga mag-aaral na siyang nagwagi sa ginanap na VAW Free QC for Reel competition.

Maraming salamat sa lahat ng ating QCitizens na nagbigay suporta para sa bawat isang kababaihan sa ating lungsod! Together, may we strive for Gender Equality for an Inclusive Society!

<back
 
 
Untitled Document
HOME    *    VICE MAYOR    *    DISTRICT 1    *    DISTRICT 2    *    DISTRICT 3    *    DISTRICT 4    *    DISTRICT 5    *    DISTRICT 6    *    EX-OFFICIO    *    CITY SECRETARY    *    CONTACT US
© Copyright 2011-2012. Quezon City Council - Sangguniang Panlungsod Lungsod Quezon. All rights reserved.